Angelica's Blog

The A World

Everyday Skincare and Make-up Products

Hello everybody!!

It’s so nice blogging again!

First of all thank you very much for following my story “A Story without a title”, literally I’m still thinking of what title should I give to my story.. or should retain it just like that? Do you have any suggestion? Please leave your suggestion to the comment box below 🙂

tenor

CCTO: tenor.co

O ayan na!, So ayun na na may meeting ako kanina sa client ko at bigla habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain (libre nya yung lunch by the way YES!) bigla nya ako tinanong ng “Anong skincare product ba ang gamit mo”. Sa totoo lang medyo mahirap sagutin itong tanong na ito.. TALAGA kasi mahirap para sa akin na idisclose yung skincare products na ginagamit ko. May tatlo akong dahilan:

  1. Di halata sa pagmumuka ng lola nyo na gumagamit ako ng skincare product
  2. Kinain na ata ako ng sistema sa sobrang stress
  3. Medyo kagulat gulat sya TALAGA

So ayun na nga, I ended up telling her the products that I use which actually-what-i-expect-to-happen-that-literally-fills-up-the-three-reasons-above shock her

tumblr_o1jzttjFHf1qkejxno1_500.gif

CCTO: tenor.co

So ano nga ba ang mga skincare products na ginagamit ko?

Toner

2ozBottle_Calendula-Herbal-Extract-Alcohol-Free-Toner2_lg.jpg

Para sa toner, ang ginagamit ko for two years now ay Kiehls Calendula Herbal Extract Alcohol-free Toner.

Bakit ko sya ginagamit?

Kasi naman ang lola nyo sensitive ang balat. Mabilis magreact ang balat ko sa araw o pollution, o sa mga skincare product na medyo matapang ang ingredients. Madami akong nababasang review sa kanya dati. Natry ko na yung mga ibang brands lalo na yung mga mura at convenient nung college ako kasi nga mahirap ang buhay pero nagkakabreakouts ako. So ayun na nga balik na tayo, nung unang kita ko sa kanya sa totoo lang medyo namahalan ako PhP 1,500 pa sya nung first time ko itong binili pero gusto ko syang itry gawa nga nung nauto nga ako nung mga reviews na nababasa ko sa net (nanisi daw ba? haha!)

Anyways, after I tried the product; I never switched to other toners (loyal lang ‘te). First of all, I haven’t experienced any problems with this product. Ang gaan nya sa muka, meaning wala kasi syang matapang na ingredients and this product was made for normal to oily skin as well as for sensitive skin. After my first application, I tried out using film if there’s still oil specially around my T-zone and the film hadn’t captured anything. So, Happy heart ang lola nyo! pero after 20 mins or so mag-oily na ulit ang muka ko syempre kasi di na ko ngapply ng moisturizer (kung baga sa skincare routine ko last na sya). Atsaka napaka calming and refreshing nyang gamitin, good for hydration kasi nababalance ang pH label ng feslak ko whahaha! So basically okay sya for me wala pa akong balak palitan sya sa ngayon.

Foundation

1833951.JPG

Itong product na ito super tagal ko ng ginagamit as in 5 years na ngayon 🙂 Though its a bit pricey (PhP 2,500 yung huli kong bili sa kanya) its really worth it. Based on my experience:

  1. It lasted for more than 8 hours when staying indoors at least 4 hours when outdoors. Last time nung may scheduled meeting ako sa isang coffee shop sa Quezon City, yung client ko kasi nun smoker sya so nagmeeting kami sa labas ng coffee shop. I have this on my face (I often go with foundation and lipstick alone) and even though the weather is indeed very intimidating (dagdag mo pa yung mga sasakyang nagbbubuga ng usok sa labas). It stays put 🙂 kahit napapawisan na ko hindi na nagki-cake or naggi-gray and no-make-up look lang.
  2. Yung isang bote tumatagal sya ng 6 months sa akin. Tingin ko depende sya sa pangngailanagn ng balat o pangangailangan ng sitwasyon (baka may event ganun) pero yung akin kasi dalawang tip lang ng dalari ko yung nagagamit ko for foundation then good-to-go na sya.
  3. Cons: Ang SPF nya 10 lang, maglalagay ka pa ng sunblock
  4. Ang ganda nya sa balat. I do have dark spots and the eyebrow corner of my skin have an obviously open pores, so whenever I apply this, It just leave my face even toned, maaliwalas syang tingnan (sabi ng salamin) – kasi nga natatakpan yung mga dark spots and nalelessen yung sobrang bukas ng pores.

Lipstick

fb6e200b939fa5698b4826338f1558ff

This is Clinique Pink Chocolate Lipstick. I’ve been using this for like 3 years now. Yung lips ko kasi medyo dark sya sa upper half and lower half. I never smoked, I got this from staying under the sun for the longest hours possible when I was a child . So obviously light lipsticks are not good for me. After my meeting in Shangrila in Shaw Boulevard 3 years ago, I came across Rustans. I am actually looking for a lipstick that will fit my needs. I visited Cliniques Area (kasi naman ‘te ang liwanag na ambiance – sila agad ang napansin ko pagpasok ko ng Rustans sa totoo lang) Ayun si kuya inintroduce nya ako kay Clinique Pink Chocolate Lipstick (siguro napansin nya ang pangangailangan ko agad haha!) Ayun tinry ko sya ang its all good! Ito yung review ko sa kanya:

  1. Medyo mahal sya (PhP 1,100) pero super worth it sya. Lalo na kung medyo may darkspot or dark area yung lips mo.
  2. Based on my experience: It feels like its 75% Matte Lipstick and yung 25% Lip Moisturizer. Kasi it stays longer but it don’t leave my skin so dry (common problems of Matte Lipstick)
  3. Its Pink Chocolate so it leaves the dark area of my lips toned with the pinkish part of my lips. So pag inaapply ko sya pantay yung kulay nya.
  4. Sa pangamatagalang gera: yun lang kasi its okay naman for long wear pero when you stay outdoors for at least 5 hours (kunayari sa byahe) medyo naglelessen na yung color but it stays put, you can still see the lipstick (specially when your lips is barely pink) pero as for me since uneven yung color ng lips ko, medyo halata sya pag naglessen ang kulay.
  5. It last for maximum of 5 months for me 🙂 I think its because of the color, kasi isa or dalawang apply ko lang okay na sya. also, I apply some foundation on my lips (super super konti lang naman, left over sa brush ganun) before I put lipstick on, para malessen din yung darkness ng lips ko.

Face Mask

88352-600_600.jpg

CCTO: Inish Pharmacy

So ito na nga, gawa nga ng sensitive ang balat ko, mahirap makahanap ng maayos na Face Mask yung hindi maiiritate yung balat ko. For 1 year nagsesearch ako ng Face Mask na sasakto sakin, and I found this! Beauty Formulas Australian Tea Tree. I bought this for PhP 129 in SM Hypermarket. Bongga ito teh!

  1. No irritation: wala akong naramdamaing irritation sa kanya. Ang lamig pa nya sa muka kasi nga Tea Tree sya.
  2. Ang mura nya at worth it pa! Wala pa akong balak palitan sya, so far 4 years na kaming magkasama 🙂
  3. Madali syang gamitin after 3 minutes pwede mo na syang alisin then you may put on your make-up
  4. It lessens the opening of my pores and leaves my so skin soft.

Facial Wash

5101222dsc09830.jpg

I’ve been using Panoxyl Soap Free Cleanser for 10 years now. Yes! Ever since I was in college. This one is not so pricey, it cost PhP 300 now (It cost PhP 230+ when I was in college though – Grabeng inflation!) But sadly, they say that this brand will be phased-out sooner. Anyway I am still glad that this is still available up to this date. So whats my review?

  1. It leaves my skin acne/pimple free
  2. It just leave my skin clean
  3. It just leave my skin super clean
  4. It just leave my skin super super clean
  5. It just leave my skin super super super clean

So as you see, I can’t leave any useful comment for this brand because we’ve been together for so long and I think I already have an unconditional love for this product hahahaha!!

So far ito palang ang Skin Care Products maishishare ko kasi iisipin ko pa yung iba. I am thinking of posting the rest of the skincare products that I use and the make-up as well. So far, Ito yung mga points na nagiinvest ako ng sobra pero the rest dun na ko sa mura na di nakakairritate.

Thank you so much for visiting my blog!

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: